Thursday, August 1, 2013

NAWAWALA

Parusa ng kahapo'y nagbabadya
Bawat segundo'y tila tangka
Sulyap ng ngayo'y, harang ng noon
Kalmang pagtibok, kailan papayapa

Sa pagpikit, ay wala ng agos
Ingay ng tinig ay nais mapaos
Tunghayan ang kadilima'y biglang pinangarap
Ang lagpasan ang linya'y hindi paba malalasap?

Sariling kamay ang tanging hawak
Tuwid na landas ay lumalawak
Harapin ang likura'y dama ang bagabag
Sariling nilalang, bakit may paglabag

Paghinto ng kahinaa'y hindi makamtan
Paghiga sa pait ay kakuntentuhan
Higpit ng emosyo'y nagsusumamo
Paano pagbigyan ang pusong nagsusumamo?

"NAWAWALA"

Friday, March 8, 2013

Kadugtong ng simula

j: susubukan ang runong ng linya
kung maaring pag sabwatin ang husay ng dalawa
p: makita kung magtutugma ang isipan
at makabuo ng isang dugtungan 

j: ang bawat salita'y tinitigan
natameme ang malalim na isipan
pag alam sa landas ng paligsahan
hindi modelo ang hayag na ito

p: walang takot na sasambitin
ang nilalaman ng damdamin
habang unti-unting babay-bayin
kung nasaan patungo ang landas

j: sa kasalukuya'y nais ihaon ang sarili
bawat hakba'y tila kamataya'y pinipili
isang pagkakamali ang hamunin ang pagkatao
sa lugar kung saan kahinaa'y inaabuso

p: ngunit dahil sa tawag ng damdamin ay malakas
tila hinahatak ang sarili para magpahayag
habang tinitiis ang niloloob
lalong itong nagpupumilit lumabas

j: ang istorya ng kahapo'y para bang ayaw ng bumitiw
pinagmulan ng ngayo'y may yabang na pumapalag
salitang katapusa'y hindi pa yata bumibiguwas
hindi natuto sa yapak ng anino ng kadiliman 

p: at sa pagtulak sa bukas na hinde tiyak
umaasa sa Kanyang gabay na payak
bagaman ang puso'y hinde mapalagay
isusuko na lang ng buong buo ang malay

at ang laging kadugtong ng simula
ay ang katapusan
ngunit sa mga nananalig sa Kanya
ang nasambit ay walang hanggan

J: Tila mga bigkas ay naghihingalo
pagkat paliwnag ay di sinasalo
Patuloy na pagangat ay patuloy
Sa landas na dilim ay tuloy-tuloy

Muling tinitigan ang pagpapakamatay
Sa aninag ng kahapong di  makahagulapay
Pagpalag sa ngayo'y dinudugtungan
Iwanan ang bukas'y di katapusan



Thursday, July 12, 2012

untapos.. ehe. ^^

hindi ko hiniling ang bagay na ito..
hindi sa ganitong paraan dapat ako magpatuloy
pero parang may tumutulak sa akin..
na aminin na ito ang paraan ko sa pagpapaliwanag ko..

ayoko ng ganito na tila nakakulong sa kahon
di hamak na gugustuhin ko na makarinig ang lahat..
subalit tila may puwersa na nagsasabing..
tanggapin ko ..ang sarili kong imahe..

 iniisip ko kung okay lang bang hindi mabasa ng lahat..
 nagsusulat ako para may makabasa
 hindi para  itago ang mga salitang hinabol hanggang dulo

hindi sa tula ako nabubuo
hindi sa pagsasalaysay lang....

Wednesday, April 4, 2012

pagkakataon ang ayokong sayangin


mga komenta niya ang inaabangan ko
sa mga likhang simple ko lang ginawa
pero salitang bigay nya'y nakakapagpalawak..
ng tuwa na hindi ko pinangarap

bigla lang naka-kwentuhan
sa sitwasyong hindi ko naman inasahan
hilig kong pagsusulat ay pinatulan
kaya naman sa ganung aspeto'y nagkasunduan

isa sa mga taong pumuri ng kagustuhan ko
sinupurtahan sa malabong kong interes
binigyan ng bagong sulatan
kaya naman napilitang muling gumuhit

hindi ko alam ang ang tamang salita
ewan ko kung tama ang ginagawa
pero alam kong may kwenta ang bawat salita
laan kong saknong ay para sa kanya'y

alam kong may lupet na sasabihing muli..






--kuya patchi. para sayo. haha. :)



Tuesday, April 3, 2012

pasya mo kung babasahin mo

kapiling ko ngayon ang matagal ng tinalikuran
ang panulat at papel na matagal na nag-antay
ang isip na nahimbing sa pananahimik
ngayo'y may sinasabing gustong balikan

kalungkutan ang nais ipadama ng sanaysay
pag-iisa ang gustong kasama ng kamalayan
bawat indak ng panulat ay siyang sabay ng ingay
nakakarinding pahayag na paulit-ulit na isinasalang

hindi ito ang daan ng pagkatao ko
pero ito ang tugma sa istilo ko
ito ang musika ng bala ko
subalit tila pagsagi sa paniniwala ko

pagwasak sa mga hayag ang inaayos
namang lakas ng salita ng titulo ko
ikot ikutin mo man ang babasahin na ito
basag na mga letra ang mabibigkas mo

hindi mo mahahalatang labag ang hayag na ito
hindi mo maririnig na may kamalian sa bawat sambit
pero aaminin ng linyang ito...
hindi tama ang landas na ito

repleksyon ng nakaraan

hindi ko inasahang aasa na naman ako sa katahimikan
pag-iisip ng wala lang, paulit-ulit kong inaabangan
pagdapo ng pahayagan sa kamalaya'y agos ng lungkot ang nasa anudan
isang bagay ang gusto kong talikuran...

ang mga tanong na walang kasawaan kong binibigkas
mga salitang nakakarinding ihayag
pangungusap na muli't muli mong pagsasawaan
at karanasang kahit kaila'y hindi mo pinagnasahan

hindi tula ang nais kong iakda
hindi balita ang gusto kong ipagkalat
hindi sanaysay ang dapat kong ginuguhit
kundi talatang kahit anong pagsunod-sunurin ang gawin...

tamang titulo'y hindi mo makukuha

Thursday, March 29, 2012

maintindihan mo kaya..

ngayong gabi, naaninag
ang para sa aking
aksayang nakaraan
ang sumbat ko ang maririnig Mo
reklamo kong patuloy na ginigiit sa'yo

hindi ko alam
pero iyon yata ang gustong-gusto Mong paraan

nagtatanong na naman ako ng parang walang alam
ang pag-iisip kong wala namang patutunguhan
at ang pagpapahayag ng walang katapusan
ay pagpapahirap na hindi ko alam..

nawa'y sa pagtulog ko wala ng gisingan
upang makamit ang sigaw kong kalayaan 
dahil nga sa pag-ibig Mong
walang hanggang pagmamahal na alay Mo


asan ka ba ngayon?
pagrerebelde ko bay inaabangan Mo?
hindi ka ba nauumay sa emosyon kong ito..
at nag sasawa sa mga tanong ko sa'yo..


nagtatanong na naman ako ng parang walang alam
ang pag-iisip kong wala namang patutunguhan
at ang pagpapahayag ng walang katapusan
ay pagpapahirap na hindi ko alam..





---2009? hehe. kanta to.. oo..
    ginawa ko. required kasi.. tas nilagyan ng tono ni Rose.. Ehe.. :)
    nilgay ko dito. para di komakalimutan.. ^^