Tuesday, April 3, 2012

repleksyon ng nakaraan

hindi ko inasahang aasa na naman ako sa katahimikan
pag-iisip ng wala lang, paulit-ulit kong inaabangan
pagdapo ng pahayagan sa kamalaya'y agos ng lungkot ang nasa anudan
isang bagay ang gusto kong talikuran...

ang mga tanong na walang kasawaan kong binibigkas
mga salitang nakakarinding ihayag
pangungusap na muli't muli mong pagsasawaan
at karanasang kahit kaila'y hindi mo pinagnasahan

hindi tula ang nais kong iakda
hindi balita ang gusto kong ipagkalat
hindi sanaysay ang dapat kong ginuguhit
kundi talatang kahit anong pagsunod-sunurin ang gawin...

tamang titulo'y hindi mo makukuha

1 comment:

  1. grabe alam mo, kahit na madami akong nasusulat, malayong mas malalim ang mga akda mo :P luffet kaya! :) proud of you jobeng! :) mwah!
    --patch

    ReplyDelete