Wednesday, April 4, 2012
pagkakataon ang ayokong sayangin
mga komenta niya ang inaabangan ko
sa mga likhang simple ko lang ginawa
pero salitang bigay nya'y nakakapagpalawak..
ng tuwa na hindi ko pinangarap
bigla lang naka-kwentuhan
sa sitwasyong hindi ko naman inasahan
hilig kong pagsusulat ay pinatulan
kaya naman sa ganung aspeto'y nagkasunduan
isa sa mga taong pumuri ng kagustuhan ko
sinupurtahan sa malabong kong interes
binigyan ng bagong sulatan
kaya naman napilitang muling gumuhit
hindi ko alam ang ang tamang salita
ewan ko kung tama ang ginagawa
pero alam kong may kwenta ang bawat salita
laan kong saknong ay para sa kanya'y
alam kong may lupet na sasabihing muli..
--kuya patchi. para sayo. haha. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
:'( awwwww...
ReplyDeletedamdamin ko'y tuluyan mong napukaw
aking saya'y nangingibabaw
tunay na ang talento ng Diyos
kahit kailan ay hinde laos
aking dalangin ngayon
ay hamunin ng panahon
ang mga gawa mong mula sa puso
isip at gunita ay napapaso
ako'y hanga at natutuwa sa yo jovie :)
and I know that God still has lots in store for you!
never let go of your dreams! i'm with you all the way :D
--patch