Thursday, August 1, 2013

NAWAWALA

Parusa ng kahapo'y nagbabadya
Bawat segundo'y tila tangka
Sulyap ng ngayo'y, harang ng noon
Kalmang pagtibok, kailan papayapa

Sa pagpikit, ay wala ng agos
Ingay ng tinig ay nais mapaos
Tunghayan ang kadilima'y biglang pinangarap
Ang lagpasan ang linya'y hindi paba malalasap?

Sariling kamay ang tanging hawak
Tuwid na landas ay lumalawak
Harapin ang likura'y dama ang bagabag
Sariling nilalang, bakit may paglabag

Paghinto ng kahinaa'y hindi makamtan
Paghiga sa pait ay kakuntentuhan
Higpit ng emosyo'y nagsusumamo
Paano pagbigyan ang pusong nagsusumamo?

"NAWAWALA"

1 comment: