j: susubukan ang runong ng linya
kung maaring pag sabwatin ang husay ng dalawa
p: makita kung magtutugma ang isipan
at makabuo ng isang dugtungan
j: ang bawat salita'y tinitigan
natameme ang malalim na isipan
pag alam sa landas ng paligsahan
hindi modelo ang hayag na ito
p: walang takot na sasambitin
ang nilalaman ng damdamin
habang unti-unting babay-bayin
kung nasaan patungo ang landas
j: sa kasalukuya'y nais ihaon ang sarili
bawat hakba'y tila kamataya'y pinipili
isang pagkakamali ang hamunin ang pagkatao
sa lugar kung saan kahinaa'y inaabuso
p: ngunit dahil sa tawag ng damdamin ay malakas
tila hinahatak ang sarili para magpahayag
habang tinitiis ang niloloob
lalong itong nagpupumilit lumabas
j: ang istorya ng kahapo'y para bang ayaw ng bumitiw
pinagmulan ng ngayo'y may yabang na pumapalag
salitang katapusa'y hindi pa yata bumibiguwas
hindi natuto sa yapak ng anino ng kadiliman
p: at sa pagtulak sa bukas na hinde tiyak
umaasa sa Kanyang gabay na payak
bagaman ang puso'y hinde mapalagay
isusuko na lang ng buong buo ang malay
at ang laging kadugtong ng simula
ay ang katapusan
ngunit sa mga nananalig sa Kanya
ang nasambit ay walang hanggan
J: Tila mga bigkas ay naghihingalo
pagkat paliwnag ay di sinasalo
Patuloy na pagangat ay patuloy
Sa landas na dilim ay tuloy-tuloy
Muling tinitigan ang pagpapakamatay
Sa aninag ng kahapong di makahagulapay
Pagpalag sa ngayo'y dinudugtungan
Iwanan ang bukas'y di katapusan
No comments:
Post a Comment