Thursday, July 12, 2012

untapos.. ehe. ^^

hindi ko hiniling ang bagay na ito..
hindi sa ganitong paraan dapat ako magpatuloy
pero parang may tumutulak sa akin..
na aminin na ito ang paraan ko sa pagpapaliwanag ko..

ayoko ng ganito na tila nakakulong sa kahon
di hamak na gugustuhin ko na makarinig ang lahat..
subalit tila may puwersa na nagsasabing..
tanggapin ko ..ang sarili kong imahe..

 iniisip ko kung okay lang bang hindi mabasa ng lahat..
 nagsusulat ako para may makabasa
 hindi para  itago ang mga salitang hinabol hanggang dulo

hindi sa tula ako nabubuo
hindi sa pagsasalaysay lang....

Wednesday, April 4, 2012

pagkakataon ang ayokong sayangin


mga komenta niya ang inaabangan ko
sa mga likhang simple ko lang ginawa
pero salitang bigay nya'y nakakapagpalawak..
ng tuwa na hindi ko pinangarap

bigla lang naka-kwentuhan
sa sitwasyong hindi ko naman inasahan
hilig kong pagsusulat ay pinatulan
kaya naman sa ganung aspeto'y nagkasunduan

isa sa mga taong pumuri ng kagustuhan ko
sinupurtahan sa malabong kong interes
binigyan ng bagong sulatan
kaya naman napilitang muling gumuhit

hindi ko alam ang ang tamang salita
ewan ko kung tama ang ginagawa
pero alam kong may kwenta ang bawat salita
laan kong saknong ay para sa kanya'y

alam kong may lupet na sasabihing muli..






--kuya patchi. para sayo. haha. :)



Tuesday, April 3, 2012

pasya mo kung babasahin mo

kapiling ko ngayon ang matagal ng tinalikuran
ang panulat at papel na matagal na nag-antay
ang isip na nahimbing sa pananahimik
ngayo'y may sinasabing gustong balikan

kalungkutan ang nais ipadama ng sanaysay
pag-iisa ang gustong kasama ng kamalayan
bawat indak ng panulat ay siyang sabay ng ingay
nakakarinding pahayag na paulit-ulit na isinasalang

hindi ito ang daan ng pagkatao ko
pero ito ang tugma sa istilo ko
ito ang musika ng bala ko
subalit tila pagsagi sa paniniwala ko

pagwasak sa mga hayag ang inaayos
namang lakas ng salita ng titulo ko
ikot ikutin mo man ang babasahin na ito
basag na mga letra ang mabibigkas mo

hindi mo mahahalatang labag ang hayag na ito
hindi mo maririnig na may kamalian sa bawat sambit
pero aaminin ng linyang ito...
hindi tama ang landas na ito

repleksyon ng nakaraan

hindi ko inasahang aasa na naman ako sa katahimikan
pag-iisip ng wala lang, paulit-ulit kong inaabangan
pagdapo ng pahayagan sa kamalaya'y agos ng lungkot ang nasa anudan
isang bagay ang gusto kong talikuran...

ang mga tanong na walang kasawaan kong binibigkas
mga salitang nakakarinding ihayag
pangungusap na muli't muli mong pagsasawaan
at karanasang kahit kaila'y hindi mo pinagnasahan

hindi tula ang nais kong iakda
hindi balita ang gusto kong ipagkalat
hindi sanaysay ang dapat kong ginuguhit
kundi talatang kahit anong pagsunod-sunurin ang gawin...

tamang titulo'y hindi mo makukuha

Thursday, March 29, 2012

maintindihan mo kaya..

ngayong gabi, naaninag
ang para sa aking
aksayang nakaraan
ang sumbat ko ang maririnig Mo
reklamo kong patuloy na ginigiit sa'yo

hindi ko alam
pero iyon yata ang gustong-gusto Mong paraan

nagtatanong na naman ako ng parang walang alam
ang pag-iisip kong wala namang patutunguhan
at ang pagpapahayag ng walang katapusan
ay pagpapahirap na hindi ko alam..

nawa'y sa pagtulog ko wala ng gisingan
upang makamit ang sigaw kong kalayaan 
dahil nga sa pag-ibig Mong
walang hanggang pagmamahal na alay Mo


asan ka ba ngayon?
pagrerebelde ko bay inaabangan Mo?
hindi ka ba nauumay sa emosyon kong ito..
at nag sasawa sa mga tanong ko sa'yo..


nagtatanong na naman ako ng parang walang alam
ang pag-iisip kong wala namang patutunguhan
at ang pagpapahayag ng walang katapusan
ay pagpapahirap na hindi ko alam..





---2009? hehe. kanta to.. oo..
    ginawa ko. required kasi.. tas nilagyan ng tono ni Rose.. Ehe.. :)
    nilgay ko dito. para di komakalimutan.. ^^

Thursday, March 8, 2012

Aninag

Para akong nakakita ng sariling kahapon sa uri ng pagkatao meron sya..

Para akong naglalakad sa bukas na may tatapak sa bawat hakbang ng ngayon..

pinilit kong di tumingin..
sinubukan kong di mangialam..
ginawang di manghusga..

para akong may anino na pilit kong tinatakbuhan.

- - -

nakita ko syang nakaupo, nakikinig, nagsasalita, na hindi ko kayang sabihing hindi ko sya binigyan ng pansin..

saksi ako ng unti-unting pagkilala nya sa lugar na iyon, sa mga nilalang na meron doon, sa pagharap ng sariling pagsubok o problema, kahit sa pagkilala nya sa Diyos..

Nakasama ko sya sa natural na nangyayari sa buhay, sa simpleng ikot na ginagawang komplikado. Pero ang pinakamasayang pag akbay ko sa kanya, e kung san sya namulat, natututo, naging seryoso, at lumawak..

Sabi ko nga, para kong nakikita yung sarili ko sa kanya..

Ayokong dumating ang kasaklapan..

Kaya hanggat maaari, tutulong akong di sya dumaan sa landas na iyon, sisikapin kong hndi nya maramdaman yung mga bagay na iyon.. At kung kaya ko, papakita kong inaalagaan ko sya..



-from notes in Fb. :)

Friday, February 10, 2012

kakornihan: love story :(

ikay dahang dahang lumapit sa akin
nakatuon sa akin iyong paningin
paghawak sa aking kamay nakakapanghina
lalo nat dumampi ang iyong labi 


napapikit at napayuko
biglang narinig "para sayo"
tinanggap ang pulang rosas habang hawak ang aking kamay
at may ngiting sinalubong ang iyong tingin

akoy mahal mo, ikay mahal ko
inalay ang bukas sa harapan
at nangakong ako lang
hinarap ang ngayon ng maligaya


sumpaang walang hanggan
hindi magsasawang ikaw lang
hindi mapapagod na ako lang
at walang katapusang iloveyou (ew)


naramdamang may bumangga
sa pag ibig na di matitibag
diin na paghaplos ay naramdaman
sa walang katulad na pagmamahalan


tila ako nadapa sa sariling kasiyahan
mulat akong hinarap ang kamalayan
nakagawiay muling babalikan
at imahinasyo'y naway  balikan






_true love. blessed ng taong mamahalin ng taong ito.. :)
















Saturday, January 28, 2012

tatlo laban sa isa

hindi pinansin ang pag-asa
binitawan ang tinta ng kagustuhan
tinapon ang madungis na sulatan
dahil sa wala lang.. nagpatuloy na tila walang alam

tila namatay sa sariling desisyon
tumigil sa kawalan ang nais makita
sa pananahimik nawalan sa salaysay
at sa madilim na landas, nangapa sa maling paniniwala

nagsimula ang lahat sa pagtapak sanalalaman
sinimulang yayain ng mundo sa matinik na daanan
naglakad na piniling nasasaktan
at sa bawat hakbang, nandon ang pananabik na bawiin ang nakasanayan

hindi makagalaw, umiikot ang paligid ng kinatatayuan
sa paghinto sandali, may liwanag na dumaan
at sa pagtalikod, sinilayan ang kaliwanagan
hindi namalayang may ngiti nang hinahabol ang katotohanan

Friday, January 27, 2012

ito na uli

tumingin ako sa langit.. wala
tumingin ako sa karagatan.. wala
tumingin ako sa mga puno't halaman.. wala
tumingin ako sa tao.. wala

tinitigan ko ang sarili ko..wala
pinakinggan ang tibok ng puso ko.. wala
hinanap ko sa nalalaman ko.. wala
pinakinggan ang bawat bigkas ng bibig.. wala

nagbukas, naghalungkat, sumugod ako..
nalungkot ako, nabasag, nagpipilit..
nagmakaawa ako, sumigaw, at pumikit..
hindi ko matagpuan ang salaysay ko

ang kwento na sinasabi nila.. nanahimik
ang lalim na binubungkal nila.. lumayo
ang galing na pinagmamlaki nila.. naligaw
muling manahimik.. mag-isip at mag-isa ang daan..

binawi ang nakaran..
binalikan ang nakasalukuyan
nanggigil na sinulat ang kagustuhan
sa muling pagkakataon..nalaman kong meron..


nya nya nya!

pag walang mahihita
walang kwenta
pag walang silbi
walang masabi
pag walang kakayahan
walang karapatan
at pag walang kalaaman
wala ng pupuntahan

nagpapahayag pa
tinutuldukan na
bastusan na
garapalan pa

-_-)

reality..
the good news is...
hindi pa huli ang lahat.. haha!
pede pang magbago ang mga salaysay.. ^^

ikaw! kailangan!

may mga taong nakukuha ang kasiyahan kahit sa mga maling dalihan..

uhaw sa alak..
kabataang bakit nagrerebelde
pag-upos ng ganun kadali sa sigarilyo
di matapos tapos na kaguluhan dahil din sa droga
at pagdami ng tao dahil sa di makontrol na pagnanais
mga taong di maramdaman ang kakuntentuhan dahil sa sariling kagustuhan..

inggitan..
yabangan..
pataasan..
at mga gawa na di namamalayan..

at mga taong walang direksyon dahil di alam ang pupuntahan..

wala nabang pwdeng humigit sa kanila paahon papuntang kalayaan?
tumulong para maituro ang tamang landas?

ikaw?
wala ka bang gustong gawin?

sabihin mo to sa sarili "wala ba akong gagawin para sa mga wasak na tao?"

gusto mo bang makihalubilo nalang sa kanila
o kaya'y patuloy na malugmok o masaktan..

huwag kang magpakabulag sa talagang nakikita mo...
hayaan mong maging instrumento ka para maging modelo ng kapwa mo tao..

at maging bakas para hakbangan ng mga naliligaw na tao..

maging iba ka!
kasama ang katotohanan (ng Diyos)

ng sa ganon dumami ang katulad mo!

-2010?
palatanong o palasagot?

bakit Iyong dugo'y ibinigay?
pag-ibig Mo nga ba'y katotohanan?
kung Anak Mo nga ang daan..
bakit di makita ng iba?

tao nga pala'y matatalino
nasanay sa maduming mundo
subalit ang iba'y hindi bulag
sa katotohanang ibinigay Mo

sino Ka bang talaga?
buhay nga ba'y sa Iyo talaga?
kung katauha'y Mo'y nasaan?
paano Ka susundin ng lahat?

tao nga pala'y magagaling
sarili'y mas nais sundin
ngunit ang iba'y mas nais maglingkod
sa Taas na di makita
smplng no0n.. n bngo ng ngun..

walang pupuntahan
walang lugar
walang direksyon
walang ako

hindi kilala ang sarili
walang tamang desisyon
ang alam lang ay gumawa ng wala
taong pampasikip sa mundo

iyon siguro ako dati

walang pinag lilingkuran
walang pinahahlagahan
walang kinikilala't pinaniniwalaan

walang pakialam!
wala lang!

pero ang noon?
ay pinutol ng ngayon
hindi ako ang gumawa
at alam kong kusang ginawa

ayokong magpakilala
pero Siya'y pilit nagpakilala
at ayoko paring maniwala

ilang beses nag alinlangan
ilang beses tumalikod..

biglang napagtanto..

ang buhay nilikha para  sa Kanya...




-matagal na to.. 2009 siguro? haha