hindi pinansin ang pag-asa
binitawan ang tinta ng kagustuhan
tinapon ang madungis na sulatan
dahil sa wala lang.. nagpatuloy na tila walang alam
tila namatay sa sariling desisyon
tumigil sa kawalan ang nais makita
sa pananahimik nawalan sa salaysay
at sa madilim na landas, nangapa sa maling paniniwala
nagsimula ang lahat sa pagtapak sanalalaman
sinimulang yayain ng mundo sa matinik na daanan
naglakad na piniling nasasaktan
at sa bawat hakbang, nandon ang pananabik na bawiin ang nakasanayan
hindi makagalaw, umiikot ang paligid ng kinatatayuan
sa paghinto sandali, may liwanag na dumaan
at sa pagtalikod, sinilayan ang kaliwanagan
hindi namalayang may ngiti nang hinahabol ang katotohanan