Wednesday, April 4, 2012

pagkakataon ang ayokong sayangin


mga komenta niya ang inaabangan ko
sa mga likhang simple ko lang ginawa
pero salitang bigay nya'y nakakapagpalawak..
ng tuwa na hindi ko pinangarap

bigla lang naka-kwentuhan
sa sitwasyong hindi ko naman inasahan
hilig kong pagsusulat ay pinatulan
kaya naman sa ganung aspeto'y nagkasunduan

isa sa mga taong pumuri ng kagustuhan ko
sinupurtahan sa malabong kong interes
binigyan ng bagong sulatan
kaya naman napilitang muling gumuhit

hindi ko alam ang ang tamang salita
ewan ko kung tama ang ginagawa
pero alam kong may kwenta ang bawat salita
laan kong saknong ay para sa kanya'y

alam kong may lupet na sasabihing muli..






--kuya patchi. para sayo. haha. :)



Tuesday, April 3, 2012

pasya mo kung babasahin mo

kapiling ko ngayon ang matagal ng tinalikuran
ang panulat at papel na matagal na nag-antay
ang isip na nahimbing sa pananahimik
ngayo'y may sinasabing gustong balikan

kalungkutan ang nais ipadama ng sanaysay
pag-iisa ang gustong kasama ng kamalayan
bawat indak ng panulat ay siyang sabay ng ingay
nakakarinding pahayag na paulit-ulit na isinasalang

hindi ito ang daan ng pagkatao ko
pero ito ang tugma sa istilo ko
ito ang musika ng bala ko
subalit tila pagsagi sa paniniwala ko

pagwasak sa mga hayag ang inaayos
namang lakas ng salita ng titulo ko
ikot ikutin mo man ang babasahin na ito
basag na mga letra ang mabibigkas mo

hindi mo mahahalatang labag ang hayag na ito
hindi mo maririnig na may kamalian sa bawat sambit
pero aaminin ng linyang ito...
hindi tama ang landas na ito

repleksyon ng nakaraan

hindi ko inasahang aasa na naman ako sa katahimikan
pag-iisip ng wala lang, paulit-ulit kong inaabangan
pagdapo ng pahayagan sa kamalaya'y agos ng lungkot ang nasa anudan
isang bagay ang gusto kong talikuran...

ang mga tanong na walang kasawaan kong binibigkas
mga salitang nakakarinding ihayag
pangungusap na muli't muli mong pagsasawaan
at karanasang kahit kaila'y hindi mo pinagnasahan

hindi tula ang nais kong iakda
hindi balita ang gusto kong ipagkalat
hindi sanaysay ang dapat kong ginuguhit
kundi talatang kahit anong pagsunod-sunurin ang gawin...

tamang titulo'y hindi mo makukuha