Tuesday, April 3, 2012

pasya mo kung babasahin mo

kapiling ko ngayon ang matagal ng tinalikuran
ang panulat at papel na matagal na nag-antay
ang isip na nahimbing sa pananahimik
ngayo'y may sinasabing gustong balikan

kalungkutan ang nais ipadama ng sanaysay
pag-iisa ang gustong kasama ng kamalayan
bawat indak ng panulat ay siyang sabay ng ingay
nakakarinding pahayag na paulit-ulit na isinasalang

hindi ito ang daan ng pagkatao ko
pero ito ang tugma sa istilo ko
ito ang musika ng bala ko
subalit tila pagsagi sa paniniwala ko

pagwasak sa mga hayag ang inaayos
namang lakas ng salita ng titulo ko
ikot ikutin mo man ang babasahin na ito
basag na mga letra ang mabibigkas mo

hindi mo mahahalatang labag ang hayag na ito
hindi mo maririnig na may kamalian sa bawat sambit
pero aaminin ng linyang ito...
hindi tama ang landas na ito

1 comment:

  1. at ako'y nagpasyang basahin ito
    buhayin ang kamalayan ng salita at damdamin
    gamit ang saliw ng titik na di magmamaliw
    ikaw ang magsusulat ng sarili mong kwento
    at sa huli ikaw pa rin
    ang tatapos nito :)
    --patch

    ReplyDelete