Friday, January 27, 2012

palatanong o palasagot?

bakit Iyong dugo'y ibinigay?
pag-ibig Mo nga ba'y katotohanan?
kung Anak Mo nga ang daan..
bakit di makita ng iba?

tao nga pala'y matatalino
nasanay sa maduming mundo
subalit ang iba'y hindi bulag
sa katotohanang ibinigay Mo

sino Ka bang talaga?
buhay nga ba'y sa Iyo talaga?
kung katauha'y Mo'y nasaan?
paano Ka susundin ng lahat?

tao nga pala'y magagaling
sarili'y mas nais sundin
ngunit ang iba'y mas nais maglingkod
sa Taas na di makita

1 comment:

  1. di tayo karapat-dapat pero niligtas pa rin Niya... :'(
    --patch

    ReplyDelete