walang pupuntahan
walang lugar
walang direksyon
walang ako
hindi kilala ang sarili
walang tamang desisyon
ang alam lang ay gumawa ng wala
taong pampasikip sa mundo
iyon siguro ako dati
walang pinag lilingkuran
walang pinahahlagahan
walang kinikilala't pinaniniwalaan
walang pakialam!
wala lang!
pero ang noon?
ay pinutol ng ngayon
hindi ako ang gumawa
at alam kong kusang ginawa
ayokong magpakilala
pero Siya'y pilit nagpakilala
at ayoko paring maniwala
ilang beses nag alinlangan
ilang beses tumalikod..
biglang napagtanto..
ang buhay nilikha para sa Kanya...
-matagal na to.. 2009 siguro? haha
wooohhooo!!!! ako'y nagagalak at nagamit mo na to sa wakas jovie! :) yiiiiii!!! galing talaga ni Lord! :) 2009 pa to? hahaha naka-baul na pala to :P congrats!!!
ReplyDeleteat ang una mong tula dito ay tungkol sa Kanya :) proud of you :)
--patch